Biyernes, Oktubre 4, 2013

Pagtalikod by shadow nx1

               
Kasabay sa pagpatak ng mga luha mahal
Bakit ba pagmamahalan natin di nagtagal
Sa iisang hakbang tayo ay nagkahiwalay
wala akong hinangad kundi ang yong tagumpay

Buong puso iaalay aking pagmamahal
Umasa ka at kahit pa ikaw ay magtagal
Sa langit tinatanaw aking mga pangarap
Doon hinahanap sa mga alapaap

Sa paglipas ng gabi,sa pagsapit ng umaga
Sa isang panibagong buhay sa isang umaga
Unti-unting ngumingiti sa akin ang pag-asa
Na masilayan kita at  muling makasama

Pagmamahal ba isang pasakit o kaysakit
Damdamin kong nagdurusa halos mapapikit
Luha ay pumapatak di ko alam kung bakit
Sa isip itinatanong ng paulit-ulit

Alaala mo sa akin ang nagpapangiti
Pumupukaw sa damdamin ko bawat sandali
Pinipilit kalimutan  ang mga nagdaan
Bakit ba ang lumipas binabalik balikan


Sa isip naglalaro masayang alaala
Ang saya ay naglaho ng ikaw ay mawala
Bilanggo sa nakaraan sa kahapon nagdaan
Ibig kong kumawala ,sakit ay matakasan


Lumisan man ang sugat pilat ay iniwanan
Sa pagmamahalan natin aking pinagkaingatan
Na saan ka man ngayon ang lagi kong dalangin ay
Na ikay gabayan kahit tayo ay magkawalay                  


Paalam na sa kahapon heto ako ngayon
Larawan ng isang pag aalinlangan noon
Salamat sa iyo ang lagi kong sinasambit
Bi ba't ang kapalaran satin ay kay bait


 





Biyernes, Setyembre 27, 2013

Pag-ibig natin: Pag ibig natin by shadow nx1

Pag-ibig natin: Pag ibig natin by shadow nx1: nang makita kita simula ng pagbabago ng may kahalong kaba at sayang gumugulo habang pinagmamasdan kita na papalayo nakikiusap na sana ora...

Huwebes, Setyembre 26, 2013

Pag ibig natin by shadow nx1

nang makita kita simula ng pagbabago
ng may kahalong kaba at sayang gumugulo
habang pinagmamasdan kita na papalayo
nakikiusap na sana oras ay huminto

walang araw at gabi na laging nagtatanong
kung makikita pa kaya kita hanggang ngayon
ikaw ang siyang pangarap at hanap ng puso
ang bulong at sigaw sa mapayapa kong mundo

bakit ba pag ibig natin di pwedeng magsabay
sa iyong ngiti mga luha ko'y sumasabay
sa'iyong lungkot dama ko  ay  kaligayahan
puso koy lumuluha sakit ang naramdaman

ilang ulit sasabihin ng paulit ulit
na mahal kita walang iba at bakit higit
ang panahon ang nanaig sa pagkakataon
ikaw ako sabay sa pagpihit ng panahon

kung ang sagot sa panahon akoy maglalakbay
buhay man o kamatayan ang siyang maging tulay
baon ang pag asa iiwanan ang mga luha 
kamay ko guguhit ng panibagong tadhana

sa bawat minuto na lumilipas at araw
sa pagsapit ng takipsilim laging nakatanaw
sa isang bintana sinisilip ang kahapon
sa isip nakakatatak larawan mo sa ngayon

sa damdamin nakabaon saya at lungkot
mundo unti unting binabalot ng takot
mga letrang nagkalat wala akong makita
mga salita di ko marinig at madama

habang lumuluha patuloy sa aking isip
ang ulan sa pagbuhos at hangin sa pag ihip
kung pwede lang ay ginawa ko na pabalikin
ang oras at panahon sa paglisan sa atin