ng may kahalong kaba at sayang gumugulo
habang pinagmamasdan kita na papalayo
nakikiusap na sana oras ay huminto
walang araw at gabi na laging nagtatanong
kung makikita pa kaya kita hanggang ngayon
ikaw ang siyang pangarap at hanap ng puso
ang bulong at sigaw sa mapayapa kong mundo
bakit ba pag ibig natin di pwedeng magsabay
sa iyong ngiti mga luha ko'y sumasabay
sa'iyong lungkot dama ko ay kaligayahan
puso koy lumuluha sakit ang naramdaman
ilang ulit sasabihin ng paulit ulit
na mahal kita walang iba at bakit higit
ang panahon ang nanaig sa pagkakataon
ikaw ako sabay sa pagpihit ng panahon
kung ang sagot sa panahon akoy maglalakbay
buhay man o kamatayan ang siyang maging tulay
baon ang pag asa iiwanan ang mga luha
kamay ko guguhit ng panibagong tadhana
sa bawat minuto na lumilipas at araw
sa pagsapit ng takipsilim laging nakatanaw
sa isang bintana sinisilip ang kahapon
sa isip nakakatatak larawan mo sa ngayon
sa damdamin nakabaon saya at lungkot
mundo unti unting binabalot ng takot
mga letrang nagkalat wala akong makita
mga salita di ko marinig at madama
habang lumuluha patuloy sa aking isip
ang ulan sa pagbuhos at hangin sa pag ihip
kung pwede lang ay ginawa ko na pabalikin
ang oras at panahon sa paglisan sa atin
Walang komento :
Mag-post ng isang Komento